#inktober2016, art, tagalog

#InkTober2016 Day 8: Rock

I thought hard about this. This is what I came up with.

img_20161008_162303.jpg

Bato… bato pick? Ewan.

Translation:¬†The sign says, “Buy-buy Rock-rock”. The bald guy’s saying, “Go choose.” And I’m thinking, “It’s already Day 8 of inktober. The prompt is¬†Rock.” Bato bato pick is also Tagalog/Filipino for the game Rock Paper Scissors.

I¬†didn’t want to draw just one measly rock… so I ended up¬†drawing…¬†this.

I don’t think I’ve ever encountered a shop in the Philippines that sells¬†only pairs of rocks, though. This is just me trying to fit the situation into my joke. :P

Here’s my next drawing:¬†#InkTober2016 Day 9: Broken
Here’s my previous non-punny¬†and kinda sad drawing:¬†#InkTober2016 Day 7: Lost
All my InkTober 2016 entries so far: #InkTober2016

If you want more information on InkTober, just go to their website.

Advertisements
Standard
personal, random, tagalog, thoughts

Thoughts while commuting.

This is just a collection of some¬†recurring thoughts I’ve had¬†while¬†commuting.¬†If I feel like it, I may update this as¬†more thoughts come. Most of them will¬†be in Filipino, my native language.¬†Some may also be a mix of English and Filipino, and some may contain (excessive) profanities and vulgarity. You have been warned.

Note: I’ve added English translations to the ones¬†written in Filipino for everyone’s benefit. If ever you read¬†a phrase/sentence that doesn’t quite match my translation, please let me know and I’ll check it out. :) I’m not a master translator of my own language, but I¬†try my best to get it as accurate as possible.

“I need to be ready. I need to always be ready.¬†Malay ko ba kung may gago na mapagtripan lang ako. (I wouldn’t know if some asshole¬†would just mess around¬†with me.)”

Kailangan¬†handa yung kamay ko sa pindutan ng payong ko, para kung may¬†sumubok na nakawan ako o tsansingan, tamaan agad yung gago.”¬†(I need to have my hand ready to push the button on my umbrella, so that if anyone ever tries to rob me or cop a feel, the bastard¬†will be hit immediately.)

“…¬†Okay, my phone, my shitty phone is still in my pocket.”

Siguro mukha akong bagong commuter minsan. Yung bag ko nga, nasa likod ko pa. Hindi naman siguro halata na¬†maraming laman ‘to.”¬†(I probably look like a new commuter sometimes. Even my bag’s on my back. Probably not obvious that this has a lot of things inside.)

Subukan nilang nakawin bag ko, puta sipain ko mukha. Subukan din nilang tumakbo, mabigat ‘to mga gago. Haha!” (They just try to steal my bag, I’ll fucking kick their face. Then if they try to run, this is heavy, you bastards. Haha!)

Sana walang mangyaring masama habang nasa biyahe.” (I hope nothing bad happens¬†while on the trip.)

Pwede kaya akong nakasabit sa likod ng jeep? Gusto ko gawin yun, kaso alam ko bawal yun in general eh.” (I wonder if I can hang at the back of a jeep? I want to do that, but I know it’s not allowed in general.)

Gago naman yung kotse na yun, kita na ngang¬†nasa tamang lane yung jeep/traysikel, pinilit pang sumiksik. Tapos sila¬†maiinis pag sila nasiksikan? Mga puta.” (That car was an asshole, the jeep/tricycle was on the right lane, and it¬†forced itself into it. Then they’ll get annoyed when they’re the ones being jammed into? The fuckers.)

“I hope I don’t get late.”

“Okay na ‘to, at least may exercise ako sa umaga. Lakad-lakad din.” (This is okay, at least I get exercise in the morning. More walking.)

“Sorry, kuya, di kita mabigyan ng¬†donation.¬†Kahit alam ko pwede ka siguro makabili ng pagkain gamit nito, marami pa rin kasing gago sa mundo. Sana¬†nakadala ako pagkain, nabigyan kita sana.” (Sorry I can’t give you a donation. Even though I know that you might be able to buy food¬†with this money, there are still a lot of assholes in the world. I wish I brought food, I would’ve given you some.)

Saan kaya nakatira si kuya¬†bulag na palaging nasa overpass? Paano kaya siya nabubuhay pa rin?” (I wonder where you live, Mr. Blind Man who’s always at the overpass? I wonder how you still continue to live?)

Magmumukha na lang muna akong first-time commuter. Di ko alam magkano babayarin ko para makapunta dun, eh. Haha.” (I’ll just¬†try to look like a first-time commuter. I don’t know how much I need to pay in order to get there. Haha.)

Ah, puta. Maling sapatos nasuot ko ngayon. Basa na tuloy paa ko hanggang mamaya.” (Ah, fuck. I wore the wrong shoes today. Now¬†my feet’s gonna be¬†wet until later.)

Kung may sumubok man hawakan dibdib ko, putangina¬†hahablutin ko yung titi nung gago tapos subukang durugin. Kung magreklamo siyang masakit, eh sabihan ko kaya, ‘Eh tangina mo¬†ako hahawakan mo¬†ginusto ko ba?! Eh ikaw, hinawakan kita, di mo gusto diba? Putangina mo pala eh.’” (If anyone would even try to cop a feel, son-of-a-bitch I’m gonna grab the bastard’s dick and try to crush it. If he complains about the pain, I’ll tell him, ‘You son of a bitch,¬†did I want to get touched by you?! You didn’t like being touched by me, right? Fuck you.)

Ano kaya mas magandang gawin? Titigan ang mga gago na titingin din, o wag na lang pansinin?¬†Ano ibigsabihin kung¬†pinansin mo sila…” (I wonder what’s better to do? Look at the assholes looking at me straight in the eye, or don’t notice them? What does it mean if I notice them…)

Uy, may bagong graffiti.” (Hey, there’s new graffiti.)

Shet, ang ganda naman ng makeup ni teh. Wing pa more.” (Shit,¬†girl’s makeup is so nice.¬†Slay that wing(ed eyeliner).)

Gusto ko magsuot ng skirt minsan, o ng short, pero natatakot pa rin ako kasi malaki pata ko tapos mga hilig usually ng lalaki¬†dito eh legs… Tangina ano ba meron sa legs? O sa pwet? Ano maganda dun? Di ko gets bakit may mga may hilig sa legs.” (Sometimes, I want to wear a skirt or¬†shorts, but I’m¬†still scared because my thighs are big and the thing most guys like here are legs…¬†What the fuck is up with legs? Or with the butt? What’s so great about that? I don’t get why some people like legs so much.)

Shet. Ang inet. Wala akong dalang pamunas.” (Ugh, it’s so hot. I¬†didn’t get to bring a towel.)

Kelan¬†ko kaya mafefeel na pwede na ako magsuot ng sleeveless tas ‘di kakabahan o maiinsecure?” (I wonder when I’ll¬†be able to wear¬†sleeveless and not feel nervous or insecure?)

And more to come as the days go by.

Standard
tagalog, thoughts

“bakit ganito?”

hindi ko alam kung ano
ang gusto mo sabihin ko
kahit ano naman ang dahilan
kahit isa man lang ‘yan,
wala pa ring silbi sa’yo
kasi nakita mo na ‘to.

hindi ba pwedeng pagayan ako
na magkaroon ng sariling mundo
na hindi kailangan mga ganyan
okay lang kahit hindi alam yan
na kahit tahimik ang bahay
pwede ka pa rin masanay

hindi ba pwedeng magkaroon
ng sariling pagkakataon
na hindi ako pinipilit
– o kaya parang naipit sa sipit –
isang sitwasyon na tama lang
kung saan kalmado lang

maiintindihan mo ba
kung sabihin ko na
hindi ko kaya ang bigat
na feeling ko ‘di rin naman sapat
ang aking kaalaman
. . .

hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko.

pwede ba minsan kahit hanggang dito na lang ang sasabihin ko
para lang maintindihan mo kung ano nararamdaman ko?

(kahit hindi ko sabihin sa salita, kahit kung ipakita ko lang,
maiintindihan pa rin ba itong nararamdaman ko?)

Standard
poems, random, tagalog, thoughts

Mamang Bulag

naalala ko isang araw, naglalakad ako
napansin ko sa tabi ko, isang mamang bulag
naglalakad patungo sa overpass
nagmamadali ako; hindi na ako tumigil
nilagpasan ko siya, pero napaisip ako
sino kaya itong mamang ito?
ano kaya ang ginagawa niya sa lugar na ito?
habang patuloy sa paglalakad, naroon na sa overpass
naalala ko ang mamang palagi kong nakikita
sa may tabi ng hagdan, habang pababa
sa kabilang banda ng kalsada
mayroong isang mamang nakaupo dapat
sa may hagdanan, kinakapa ang lakaran
humihingi ba ng pera? Hindi naman halata
basta’t mayroon siyang hawak-hawak na lata
parati itong nasa kanyang kandungan
bawat umaga na dadaan ako roon
palagi kong makikita ang mamang iyon
pero sa umagang ito, wala siya
napaisip ako: siya nga ba
ang nalagpasan ko kanina?
Naiwan sa isip ko ang tanong
na nais ko sanang isagot ng iba sa inyo
ngunit pagkakarating ko sa aking destinasyon
nakalimutan ko na ito:
“ano ang gagawin mo kapag nakakita ka
ng bulag na naglalakad sa tabi mo?”

Pagkalipas ng ilang araw,
doon pa rin sa dinadaanan ko
nakita ko nanaman siya,
naglalakad patungo sa overpass
Bago man ako makagalaw,
mayroon isa pang taong nakapansin
ng mamang bulag na dahan-dahan lang naglalakad
patungo sa overpass na kanyang tinatambayan
narinig ko pa tinanong ng mama,
“boss, sa’n po kayo pupunta?”
inabot pa niya ang kanyang kamay
para lang tulungan siya
ako naman, patuloy ng paglalakad
napaisip tuloy sa ginawa niya
ano kaya ang gagawin ko
sa susunod na makita ko
ang mamang bulag na naglalakad
patungo sa overpass?
Hanggang ngayon ay hindi ko alam
kahit isang sagot man lang,
walang pumapasok sa isip ko
sobrang hiya talaga ang nararamdaman ko
simpleng tanong lang sana, ‘di man lang masagot
ng isang taong katulad ko, isang taong kuno anak ng Diyos
nagsisimba bawat linggo, nag-aaral sa Ateneo
sa sitwasyon ko, anong magagawa ko?
Maaari ko ngang tulungan man lang si lolo
kaso nga lang, nagtaka rin ako
ka’yo, ano gagawin ninyo
kung makakita kayo ng mamang bulag
na naglalakad sa tabi niyo?


Sinulat ng ika-15 ng Hulyo 2013.

Standard
poems, random, tagalog, thoughts

Pedro (?)

Habang nagbibisikleta
sa gilid ng kalsada
nakita lang kita
bigla kong naalala
ang isa kong kaklase
kaibigan kong lalaki
kasamahan ko dati
nasa honors palagi
Siya ba kaya yun?
Hindi ko sigurado nun
gusto ko sana lumapit do’n
kaso hindi madali ‘yon
Nasa kabilang dulo ako
hindi basta makatakbo
kahit pwede naman, ayaw ko
baka madisgrasya pa, diyos ko
Dumaan na si Pedro
sa harapan ko
wala na ang pagkakataon
na malaman kung ikaw ba talaga ‘yon.

Standard
Dear Kuya, random, tagalog

Dear Kuya: Ulit

Dear kuya,

Nagsusulat ulit ako sa’yo. Di ko ba alam, napagtripan ko lang ulit. Tagal na kasi talaga natin hindi nag-usap, tapos ngayon ang dami ko na rin ginagawa. Marami ring ginagawa mga kaibigan ko, kaya… Wala ako masyadong makausap ngayon. Alam mo naman ako, madaldal akong tao. Kaya ngayon nagsusulat ako sa’yo.

Mayroon akong bago, kuya. Hindi boypren. Gusto lang. Tagal ko nang hindi single, tapos bigla akong maggaganito, no? Nakakatawa lang. Eh alam mo naman ako, kuya. Ganito ako kakulit pagdating sa pag-ibig. Para akong kiti-kiti: hindi mapakali.

Siguro kailangan ko lang muna kumalma, no? Sinabihan na rin ako ng mga iba kong kaibigan: kalma ka muna. Wag mo unahan ang pag-ibig. Mamaya mahuli ka, maiwanan ka pa. At alam na alam mo na ayaw kong napag-iiwanan. (kaya nga ako nagsusulat sa’yo ngayon, eh. Di mo naman ako talaga iniwan.)¬†Kasi wala ka naman talaga.

Kuya, nahihirapan na ako. Minsan, gusto ko magkaroon ng kasama… Kaso nga lang, lumalayo naman ako sa lahat ng taong pwede naman maging kasama ko. Ang labo, no? Ano ba talaga hinahanap ko…?

Sana magsulat ka sa akin, kuya. Gusto ko naman makarinig ng kwento galing sa’yo. Parati na lang ako, eh. Ikaw naman sana.

Hihintayin ko ‘yan ah. Magsusulat ako ng magsusulat sa’yo hanggang makakuha ako ng sulat galing sa’yo.

Nagmamahal,
Iyong Kapatid

Standard
Dear Kuya, poems, tagalog, thoughts

Dear Kuya: Ang Una

originally titled “Kung Sana Lang”; submitted for the 12th Day of NaPoWriMo.

Dear kuya,

Kamusta ka na?
Di na tayo nagkita
Kailan pa ba
tayo muling nagkasama?

Nag-usap ba tayo? Hindi
Wala namang makakaintindi
Wala na lang ding sinabi
Sa aking katabi

Nagkaroon ng harang —
bakit di ka isang nilalang
ako’y nag-iisa lamang;
Kung sana’y totoo ka na lang.

Love,
Kapatid mo
P.S.
Sana magsulat
ka rin sa akin.

Standard