Dear Kuya, random, tagalog

Dear Kuya: Ulit

Dear kuya,

Nagsusulat ulit ako sa’yo. Di ko ba alam, napagtripan ko lang ulit. Tagal na kasi talaga natin hindi nag-usap, tapos ngayon ang dami ko na rin ginagawa. Marami ring ginagawa mga kaibigan ko, kaya… Wala ako masyadong makausap ngayon. Alam mo naman ako, madaldal akong tao. Kaya ngayon nagsusulat ako sa’yo.

Mayroon akong bago, kuya. Hindi boypren. Gusto lang. Tagal ko nang hindi single, tapos bigla akong maggaganito, no? Nakakatawa lang. Eh alam mo naman ako, kuya. Ganito ako kakulit pagdating sa pag-ibig. Para akong kiti-kiti: hindi mapakali.

Siguro kailangan ko lang muna kumalma, no? Sinabihan na rin ako ng mga iba kong kaibigan: kalma ka muna. Wag mo unahan ang pag-ibig. Mamaya mahuli ka, maiwanan ka pa. At alam na alam mo na ayaw kong napag-iiwanan. (kaya nga ako nagsusulat sa’yo ngayon, eh. Di mo naman ako talaga iniwan.)┬áKasi wala ka naman talaga.

Kuya, nahihirapan na ako. Minsan, gusto ko magkaroon ng kasama… Kaso nga lang, lumalayo naman ako sa lahat ng taong pwede naman maging kasama ko. Ang labo, no? Ano ba talaga hinahanap ko…?

Sana magsulat ka sa akin, kuya. Gusto ko naman makarinig ng kwento galing sa’yo. Parati na lang ako, eh. Ikaw naman sana.

Hihintayin ko ‘yan ah. Magsusulat ako ng magsusulat sa’yo hanggang makakuha ako ng sulat galing sa’yo.

Nagmamahal,
Iyong Kapatid

Advertisements
Standard
Dear Kuya, poems, tagalog, thoughts

Dear Kuya: Ang Una

originally titled “Kung Sana Lang”; submitted for the 12th Day of NaPoWriMo.

Dear kuya,

Kamusta ka na?
Di na tayo nagkita
Kailan pa ba
tayo muling nagkasama?

Nag-usap ba tayo? Hindi
Wala namang makakaintindi
Wala na lang ding sinabi
Sa aking katabi

Nagkaroon ng harang —
bakit di ka isang nilalang
ako’y nag-iisa lamang;
Kung sana’y totoo ka na lang.

Love,
Kapatid mo
P.S.
Sana magsulat
ka rin sa akin.

Standard